Advertisers

Advertisers

2 pulis sa 5 killers ng police captain sumuko

0 61

Advertisers

Hawak na ng mga otoridad ang 2 pulis sa limang mga kalakihan na bumaril at nakapatay sa isang pulis captain nang sitahin ang isang lalaki na namataan mayroon nakasukbit na baril sa baywang sa isang palengke sa Parang Maguindano nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Col. Jean Fajardo, Chief ng PNP Public Information Office (PNP-PIO), “meron na tayong mga Person of Interest (POIs), meron tayong 5 na identified based doon sa mga statements ng witnesses pati doon sa mga CCTV. 2 doon pulis nung sila ay sumurrender na rin sa Parang MPS. They voluntarily surrendered at kasalukuyan silang nakadetain sa police station at within the day at sasampahan ng kasong murder itong mga suspects na ito samantalang yung 3 remains at large.”

Aniya, iniimbestigahan na kung sila ba ‘yung isa doon na nakita sa CCTV na bumaril sa ating pulis at it’s a positive development na sumuko sila at sinurrender nila ‘yung kanilang mga issued na baril at ngayon isasailalim sa ballistic examination. Suma-ilalim na rin sa paraffin test ang 2 nasabing pulis.



Sinabi ni Fajardo na bases sa ibinigay na impormasyon ng Provincial Director mga kamag-anak itong sinita nitong si Capt. Roland Moralde

“Yun ‘yung lumalabas na dahil nagkabarilan itong si Capt. Moralde at ‘yung kanya sinita ay nakita nilang bumagsak at nabaril itong kaanak nila, it appears na ‘yung motibo na parang nag-retaliate sila doon kay Capt. Moralde at nagresulta sa pagkakamatay ni Capt. Moralde,” ani ni Fajardo.

Nauna dito, sinita ni Capt Moralde ang suspek na nakilalang si Mohiden Ramalan Untal nang makita maynakasukbit na baril sa kanyang bawang sa Palengke sa Brgy. Poblacion 2 Parang, Maguindano.

Nagkaroon ng pagtatalo ng dalawa ng bigla magbunot ng baril ang suspek at pautukan ang nasabing pulis dahilan upang gumanti rin ito ng putok at tamaan ang huli sa dibidb.

Makikita sa kuha ng CCTV na tumakbo papalayo ang biktima si Moralde nang habulin ng 5 kalalakihan pawang armado ng mga baril at pinaputukan ito na tinamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.



Kapwa naman isinugod sa pagamutan si Cpt. Moralde at Untal na kapwa hindi na umabot ng buhay sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Isinaad ni Fajardo na patuloy naman ang pagtugis laban sa 3 pang mga suspek.(Mark Obleada)