Advertisers

Advertisers

Police Capt. patay sa sinitang armado

0 26

Advertisers

NASAWI ang isang police captain nang sitahin ang isang lalaking napuna nitong may sukbit na baril sa baywang habang naglalakad sa isang palengke sa Parang, Maguindanao del Norte, Huwebes ng umaga, May 2, 2024.

Kinilala ang nasawi na si Captain Roland Moralde ng 14th Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).

Sa ulat, agad nabuwal si Moralde at hindi na umabot ng buhay sa pagamutan kungsaan dinala ng emergency responders para malapatan sana ng lunas.



Sa inisyal na pahayag ni Major Christopher Cabugwang, Parang Municipal Police chief, magkatuwang na inaalam ng kanilang mga imbestigador at barangay officials kung sino ang bumaril kay Moralde ng ilang beses.

Ayon sa mga saksi, may sadya lang sa palengke sa Barangay Poblacion ng Parang si Moralde nang kanyang napansin na may baril ang isang lalaki sa hindi kalayuan kaya niya ito nilapitan at sinita mag-isa.

Biglang bumunot ng baril ang salarin, agad pinaputukan si Moralde ng ilang beses at mabilis na tumakas.

Halos mga isang kilometro lang ang layo ng pinangyarihan ng insidente mula sa Camp SK Pendatun kungsaan naroon ang headquarters ng PRO-BAR.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">