Advertisers

Advertisers

PH host ng International Canoe Federation Dragon Boat World Championship

0 5

Advertisers

PANGMALAKASAN na ang agenda ng Philippine Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation para sa ilalargang hosting ng International Canoe Federation Dragon Boat World Championship – kauna-unahan ng bansa – sa Puerto Princesa, Palawan.

Inaasahan ang pagdagsa ng mahigit 3,000 atleta, coaches at opisyal mula sa 72 bansa sa lalawigang tinaguriang ‘The Last Frontier’ para sa prestihiyosong torneo na nakatakda sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4.

“Several European countries like Russia, Slovenia, Poland and Germany (with 190 athletes) are already confirmed their participation. It’s a big challenge for us, but with the help of the Philippine Sports Commission and the City of Puerto Princesa led by Mayor Lucio Rodriguez Bayron, we’re 100 percent ready to host the event,” pahayag ni Philippine Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation (PCKDF) president Leonora ‘Len’ Escollante sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’.



Iginiit ni Escollante na mismong si Mayor Bayron ang mangunguna sa binuong local organizing committee ng lungsod upang masiguro ang tagumpay ng hosting –pinakamalaking international tournament na magaganap sa lungsod.

Kabuuang 58 events na nakatayang paglabanan sa torneo para sa juniors, mixed, open and masters. Bukod sa regular na Philippine Team, kakatawanin din ang bansa ng mga kompetitibong koponan tulad ng Siargao at Cebu na ayon kay Escollante ay pawang mga kampeon sa masters event ng PCKDF.

“Bilang pampagana and also to drumbeat the world tournament, magsasagawa muna kami ng Club competitions two weeks before the meet kaya inaanyayahan naming ang mga club teams na sumali dito. This is also part of our talent search program,” sambit ni Escollante sa linnguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Target ng bansa na makamit ang overall championships hindi man matumbansa ang anim na gintong medalyang napagwagihan noong 2018 edition na ginanap sa Atlanta, Georgia.

“Hindi kasi tayo nakasali noong 2022 edition kaya ngayon natin puwedeng malagpasan yung gold medal haule noong 2018 and hopefully makuha natin ang overall championships,” aniya.



Ikinalugod din ni Escollante ang suportang ipinarating ng Malacanang para sa ikatatagumpay ng torneo.

“Nainformed na po kami ng Malacanang para sa iskedyul na makausap ang Pangulong Marcos.Malaking bagay po ito para sa sports at hosting,” ayon kay Escollante.

Bago ang World tilt, nakahanay para lahukan ng Philippine Team ang China Open Championship sa Shanghai sa Hunyo 2, gayundin sa International Open meet sa Russia sa Hunyo 14.