Advertisers

Advertisers

P100 daily minimum wage increase hihilinging sertipikahang urgent ni PBBM

0 8

Advertisers

HIHILINGIN ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang Senate Bill No. 2534 o ang P100 Daily Minimum Wage Increase Act.

Kaugnay ito sa panawagan ni Pangulong Marcos na i-review ang minimum wages sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ani Zubiri, ang dagdag na sahod ang pinakamagandang regalo ng pangulo para sa ating mga manggagawa.



Paliwanag ni Zubiri, kung masesertipikahang urgent ang panukala ay mas mabilis na magiging batas at mapapakinabangan ng ating mga manggagawa ang benepisyo mula sa hirap ng epekto ng matinding init ng panahon.

Sa kabilang banda, umaasa ang mambabatas na pangunahing may-akda ng minimum wage increase bill, na maaaprubahan na rin ng Kamara ang counterpart bill.

Kumpiyansa si Zubiri na ang panukala ang magpapalakas sa labor sector at malaking tulong ito sa panahon ngayon para maka-survive ang publiko mula sa mataas na inflation.