Advertisers

Advertisers

Higit 9k public schools personnel may libreng laboratory testing sa Caloocan

0 4

Advertisers

Muling magbibigay ng libreng laboratory testing si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, sa pakikipagtulungan ng Schools Division Office (SDO) para sa mahigit 9,000 teaching at non-teaching personnel ng Lungsod ng Caloocan simula sa Mayo 6.

Kasama sa mga pagsusuri ang libreng urinalysis, complete blood count, chest x-ray na isasagawa sa Caloocan City Medical Center (CCMC) at Caloocan City North Medical Center (CCNMC).

Kinilala ni Mayor Along ang pagsusumikap ng mga guro at iba pang non-teaching personnel sa pagiging frontliners pagdating sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon para sa mga kabataan, at idineklara na ang taunang libreng lab testing program ay isa lamang paraan ng kanyang administrasyon upang magpahayag ng pasasalamat sa kanilang mga pagsisikap.



“Batid ko po ang hirap at sakripisyong inaalay ng ating mga guro at ng lahat ng mga empleyado sa ating mga paaralan upang araw-araw na siguruhin ang mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga Batang Kankaloo,” wika ni Mayor Along.

“Hindi po madali ang inyong trabaho at bilang pasasalamat sa pagtulong ninyo sa pamahalaang lungsod na hubugin ang kinabukasan ng kabataan, personal na layunin ko po ang mga programang aalagaan din kayo, lalong-lalo na ang inyong kalusugan,” dagdag ni Mayor Along.

Tiniyak din ng lokal na punong ehekutibo sa kanyang mga nasasakupan na nananatili pa rin ang serbisyong pangkalusugan bilang isa sa mga pangunahing priyoridad ng pamahalaang lungsod, at mas maraming programang pangkalusugan at medikal ang isinasagawa lalo na para sa mga miyembro ng mga mahihinang sektor.

“Sa ngayon, mga guro ang ating mga benepisyaryo ngunit asahan niyo po na tuloy-tuloy din ang iba pa nating mga programa sa lahat ng mga Batang Kankaloo ay magiging panatag dahil mayroong malapit, libre, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa kanila,” pahayag ni Mayor Along.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">