Advertisers

Advertisers

HETO NA ANG SERBISYO VENANCIO!

0 6

Advertisers

IAANGAT lalo ang antas ng respeto ng kinauukulan sa mga lahitimong alagad ng pamamahayag ang tiyak na gagawin ng ating National Press Club president to be Joey G.Venancio ng Pulis..Pulis! at publisher ng isa sa pangunahing tabloid sa bansa na Police Files Tonite.

Si JGV ay nagmula sa pagiging deadline beater na reporter noong makalaya sa opresyon ang pamamahayag kaya’t alam niya ang pulso ng isang tunay na PRESS na ikararangal ng pamilya at kaibigan.

Hanggang sa naging patnugot, kolumnistang pinatapang ng katotohanan lamang tungo sa pagiging isa na sa may-ari ng pahayagan na nakapagbibigay na rin ng trabaho.oportunidad ay dangal sa kanyang pamilya ,kaibigan, kawani, reporters photo journalists atbp.



Naging lingkod-bayan,opisyal na rin ng prestihiyosong National Press Club at ngayon ay hangad na niyang makatulong ng todo sa kanyang colleagues bilang Presidente na ng NPC.

Tiyak na marami siyang gagawin at babaguhin kapag naihalal na siya ng ating colleagues na ang pakInabang ay panghabang-buhay at hindi yung pansamantala lamang, una sa kapakanan ng mga mamamahayag sa aspeto ng kabuhayan, kalusugan at edukasyon ng kanilang kapamilya at mga kaukulang tulong sa mga kasapi na apektado ng kalamidad natural man o manmade.

At alam ni JGV ang high risk ng propesyon kaya sa kanyang termino kung papalarin ay kaya niyang tuparin .

Isa sa pinaka ay ang panatilihin ang antas ng respeto ng mamamayan, opisyal ng pamahalaan, Kapulisan, komersiyong tanggapan at iba pa sa lehitimong miyembro ng press sa bansa.

Dumating na kasi sa punto na di na recognized ang Philippine Press o NPC na pagkakailanlan dahil na rin sa kagagawan ng mga nagsamantala sa hawak nilang Press Card.



Meron pang mayayabang na otoridad na ipagsisigawan pang ‘Walang Media-Media sa Amin!’

Di na sila takot sa press ID o sticker sa sasakyan.

Kahit sa mga nilalakad na transaksyon ay di na ino-honor ang Media ID na national sa aspeto.

Na-overlook kasi ito ng mga nakaraang naging pinuno ng press club.

Tayo ay kabilang sa Fourth Estate, unang tatlo ang executive, legislative at judiciary kasunod ang media.

Ire-restore ang naturang respeto sa mga mamahayag nang napipintong mauupong pangulo ng NPC na si JGV katuwang niya din si Director to be Atty.Ferdie Topacio… SERBISYO VENANCIO!… ABANGAN!!!

Kaya sa darating na May 5, 2024, hayaan nyong ang dikta ng pulso at puso nyo ay ang ‘JGV’ our president to be… SOON!