Advertisers

Advertisers

‘Dokumentong humihigop ng iligal na droga si PBBM, tunay’

0 5,047

Advertisers

ITO na!

Sinabi ni dating Chief PNP ngayo’y senador Ronald “Bato” dela Rosa na kumbinsido siya na ang “leaked” documents na nag-uugnay kay Pangulong “Bongbong” Marcos at actress Maricel Soriano na umano’y humihigop ng iligal na droga ay hindi gawa-gawa lamang.

Ang mga dokumentong basehan ay ang Philippine Drug Enforcement Agency’s (PDEA) ‘Authority to Operate’ at ang ‘Pre-Operation Report’ na may petsang March 11, 2012.



“Ako masasabi ko, it is existing. It is existing ‘yang papel na ‘yan dahil klaro man sa nature of the [paper] na tinitingnan ko. Hindi ‘yun AI-generated, hindi ‘yun siya gawa-gawa lang,” sabi ni dela Rosa sa panayam ng Radyo 630 nitong Miyerkoles, Mayo 1, 2024.

Ang “punch hole” marks, aniya, ay makikita sa document.

“Klaro na siya ay galing sa isang malaking… parang folder. Kung saan tinanggal lang siya sa fastener. Dahil ‘yung pag-picture sa kanya at pag-photocopy ay nakikita sa kanya ang hole puncher na dinaanan niya para ipasok sa fastener” punto ni Bato.

Si Dela Rosa, chairperson ng committee on public order and dangerous drugs, ay nagsagawa ng imbestigasyon sa umano’;y nag-leaked na dokumento nitong nakaraang Martes.

Sa naturang hearing, sinabi ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na ang naturang dokumento ay peke.



Pero nanindigan ang PDEA investigation agent na si Jonathan Morales, na ang “leaked documents” na nag-uugnay kina PBBM at Maricel sa illegal drugs ay tunay.

Si Morales ang signatory sa naturang mga dokuemnto.

Kinampihan naman ni Bato si Morales. Naniniwala raw siya rito dahil ang dating PDEA official ay “very straightforward.”

“Kasi nakikita ko na wala siyang tinatago. Very straightforward siya sa kanyang mga sinasabi at meron din siyang ipinapakita rin na papeles talaga. Inaamin niya na siya ang pumirma, at hindi naman dine-deny ng mga tao na hindi siya member ng PDEA at that time, talagang taga-PDEA siya, natanggal lang siya later on,” depensa ni Bato kay Morales.

Pero bumawi rin si Bato: Sinabi niyang ang naturang mga personalidad sa leaked documents ay hindi naman kumpirmadong drug users.

“Ibig sabihin kung ang pangalan mo ay nakalagay doon, you are a subject for validation. Pre-operation nga, kasi kapag pre-operation ka, ibig sabihin may information about you na drug-using. So ginagawa yung pre-operation report bago mag conduct ng operation,” ani dela Rosa.

Bago pa ang pahayag na ito ni Dela Rosa, pinabulaanan na ng PDEA na wala sa kanilang watchlist si PBBM. Peke raw ang “leaked operational documents”, hindi raw ito nakalagay sa kanilang Marso 11, 2012 Plans and Operations Reports Management Information System.

Si Bato ang “utak” ng ‘Tokhang’ sa ‘war on drugs’ ng nakaraang Duterte administration, na iniimbestigahan ngayon ng International Criminal Court matapos sampahan ng kaso ng mga biktima ng ‘extra judicial killings’.

Sina dating Pangulo Rody Duterte, Bato at ilan pa ay nahaharap sa ‘Crimes Against Humanity’ sa ICC. Sinasabing patapos ang imbestigasyon dito ng international court. Arrest warrant na raw ang kasunod. Araguy!!!