Deadline ng applications ng Ms. Manila ’24 hanggang ngayon (May 3) na lang
Advertisers
INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na hanggang ngayon na lang (May 3) ang deadline ng applications sa Ms. Manila 2024.
Sinabi ni Lacuna na hindi na ii-extend ang deadline kaya naman ang gustong sumubok ng kanilang kapalaran ay maaari pang mag-apply hanggang ngayong araw ng Biyernes.
Muli ay inulit ng alkalde na ang timpalak ay bukas sa lahat ng kababaihan, single at edad 18 hanggang 30 at residente ng Maynila.
“She (applicant) must also embody the values of empowerment and leadership,” dagdag pa nito.
Naglabas din ang alkalde ng step-by-step guide kung paano maging kandidata sa Miss Manila 2024.
Una, ang applicant ay dapat na sagutin ang tanong na, ‘What Makes A Woman Of Worth Ultimately Beautiful?’.
Kailangan na i-upload niya ang video sa TikTok na may hashtags #MissManilaUltimatelyBeautiful and #MissManila2024.
Pagkatapos nito ay kailangan ng magregister ang applicant at mag- fill out ng application form sa http://missmanila.ph, kung saan ilalagay ang mahahalagang impormasyon at requirements.
Sinabi pa ni Lacuna na ang applicant ay kailangan na maghintay ng tawag mula sa city government upang sabihin sa kanya na na siya ay natanggap at pasok na siya sa next stage ng qualification process. (ANDI GARCIA)