Advertisers

Advertisers

4 BUMUGBOG KAY VHONG NAVARRO HABAMBUHAY KULONG!

0 49

Advertisers

HINATULAN ng Taguig Regional Trial Court ng habambuhay na pagkakakulong ang mga nasa likod ng pambubugbog sa actor-tv host na si Vhong Navarro noong January 2014.

Kabilang sa mga lumitaw na ‘guilty’ sa kasong ‘serious illegal detention for ransom’ ang model na si Deniece Cornejo, negosyanteng si Cedric Lee, Ferdinand Guerrero at Zimmer Raz.

Base ito sa 94 pahinang desisyon ni Presiding Judge Mariam G. Bien ng Taguig City RTC, Branch153.



Agad narin kinansela ang ‘bail bond’ ng mga akusado at inaresto ang mga ito matapos basahan ng hatol.

Habang inisyuhan ng warrant of arrest ang hindi nagpakitang sina Lee at Guerrero, para sa agad na ikadarakip nito.

Pinagbabayad ang mga ito ng P300,000 kay Navarro bilang bayad pinsala.

Hindi nakadalo ang aktor sa pagbasa ng hatol.

Nag-ugat ang kaso sa pambubugbog kay Navarro, dahil inakusahan ito ng tangkang panggagahasa kay Cornejo, nguni’t lumitaw na may nauna nang mga naging pag-uusap sina Denice at Vhong at setup ang presensya sa lugar nina Lee at Raz.



Kungsaan humingi pa si Lee ng P2 million kapalit na paglaya ni Navarro at pumayag ang comedian-host sa P1 million.

Pinuwersa pa ni Lee si Navarro na aminin nito na hinalay niya si Cornejo.

Ngunit pinanindigan ng kampo ni Navarro na imposibleng nagkaroon ng rape sa maikling oras at naniniwala sila na set up ang ginawa nila sa comedian host.

Matatandaan na kinasuhan ng ‘rape’ ni Cornejo si Navarro, subali’t ibinasura ito ng Korte Suprema, napatunayang walang naganap na panggagahasa.

Samantala, nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat si Navarro kaugnay ng pagkapanalo sa kasong ‘serious illegal detention for ransom’ na isinampa niya laban kina Cornejo, Lee, at dalawa pa. (GAYNOR BONILLA/JOJO SADIWA)