Advertisers

Advertisers

3 patay sa matinding imit sa CamSur

0 3

Advertisers

TATLO katao ang nasawi dahil sa matinding init ng panahon sa Pili, Camarines Sur.

Sinabi ni Pili Mayor Thomas Bongalonta, Jr. na mino-monitor na ng Pagasa ang sitwasyon sa kanilang munisipalidad na patuloy na nakakaranas ng mataas na temperatura. Umabot sa average na 46 degrees Celsius ang head index sa kanilang bayan noong Biyernes, April 26, at umabot sa 49 degrees Celsius noong Linggo.

“Dito sa amin, 3 empleyado na ang namatay dahil sa itong init. The other day ‘yung aming guard sa traffic ay namatay dahil inatake siya sa puso sa epekto ng init ng panahon at may dalawa pa,” ani Bongalonta.



Sa ngayon suspendido ang face-to-face class sa Pili, maliban sa mga private school.