Advertisers
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na tularan ang tapang, integridad, at tibay ng loob ng mga bayani na ipinagtanggol ang Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ito, ayon kay PBBM, ay upang malampasan ang mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng bansa.
Sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Araw ng Kagitingan nitong Martes, Abril 9, sinabi ng Pangulo na bagaman lumaban ang mga Pinoy para sa kalayaan at demokrasya mahigit sa 80 taon na ang nakakaraan, ang bansa aniya ngayon ay tila nabubuhay sa isang ganap na ibang panahon.
Ipinunto niya na ang mga kasalukuyang hamon ay hindi kailanman mas magaan, anuman ang teritoryo ng mga mapanakop na pwersa na patuloy na nagbabanta sa bansa sa labas at sa loob, na nagbubunga ng panganib sa mga tagumpay na pinaghirapan ng bansa.
Maliban dito, aminado rin si Pangulong Marcos na may mga panahon na tila masyadong kumplikado o masyadong nakakatakot ang mga pakikibaka.
Gayunpaman, ang mga ito aniya ang mga sandali na kailangang ipaglaban ang ating kalayaan at prinsipyo, kasabay ng pagganap ng tungkulin nang may lubos na dedikasyon at kasipagan, at lumaban nang buong lakas para sa mas magandang buhay at mas maliwanag na kinabukasan. (Gilbert Perdez)