Advertisers

Advertisers

MODERN JEEPNEY PARA SA MODERN ‘PINAS…

0 2,250

Advertisers

Bahagi ng malasakit sa hanay ng transport group ay MODERN JEEPNEY mula sa SOUTH KOREA ang iaalok ni FORMER ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS CRISOLOGO “CHAVIT ” SINGSON para sa proyekto ng ating bànsa na maging moderno ang sistema ng public transport services.

Sa lingguhang AGENDA FORUM ni ATTY. SIEGFRED MISON ay ipinunto ni SINGSON na kinakailangan umanong pasok sa standard na isinusulong ng PUBLIC UTILITY VEHICLE PROGRAM ang mga sasakyang ipangseserbisyo para sa kapakanan ng publiko.

Bunsod nito ay iginagarantiya ni SINGSON ang kahusayan ng ELECTRIC JEEPNEY mula sa SOUTH KOREA na aniya ay PROTOTYPE itong aangkatin papasok sa ating bansa at dito na itatayo ang isang factory para sa pagbuo ng EJEEPNEYS.., na ipinunto rin ni SINGSON na ang itatayong CAR MANUFACTURER ay kayang makagawa ng 100,00 EJEEPNEYS sa loob ng isang taon.



Aniya, nakikipag-ugnayan na siya sa mga TRANSPORT GROUP tulad ng LIGA NG TRANSPORTASYON AT OPERATORS SA PILIPINAS (LTOPF), ALTODAP-PASANG MASDA at iba pang grupo.., na bukod sa EJEEPS ay matibay rin umano ang mga ETRIKE na kaniyang iniaalok para maging katulungan sa pangkabuhayan ninuman.

***

MGA PULIS SA NCR GINAWARAN NG MEDALYA!

Bahagi ng pagkilala sa walang humpay na pagganap sa tungkulin bilang mga LAW ENFORCER ay GINAWARAN NG MEDALYA ang ilang pulis sa METRO MANILA.

Sa ginanap na MONDAY FLAG RAISING CEREMONY sa NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE na pinangangasiwaan ni MAJOR GENERAL JOSE MELENCIO NARTATEZ JR. ay idinaos ang seremonya sa pagkakaloob ng papuri sa kanilang mga kasamahang nagsusumigasig sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.



Ang seremonya ay pinangunahan ni REGIONAL OPERATIONS DIVISION, COL. ROMAN CORNEL ARUGAY.., na ang MEDALYA NG KAGALINGAN para sa mga operatibang puspusan sa pagpapairal ng ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATIONS ay iginawad kina MAJOR ROMULO VILLANUEVA ng SOUTHERN POLICE DISTRICT; SSERGEANT DANDAN CANUTO ng NORTHERN POLICE DISTRICT; at kay CORPORAL CHERWIN SAPLAN ng EASTERN POLICE DISTRICT.

Ang MEDALYA NG PAPURI para sa ANTI-CRIMINALITY OPERATIONS ay iginawad kina MASTER SERGEANT JOMAR MADARANG ng QUEZON CITY POLICE DISTRICT; PATROLMAN JEO MARC ANTONIOUS MONTERO ng MANILA POLICE DISTRICT.

Sa naging talumpati naman ni CHIEF REGIONAL STAFF BGENERAL ROLLY OCTAVIO ay ipinunto nito na ang lahat ng POLICE UNITS ay kinakailangang tumugon sa mga polisiyang ipairal ng bagong PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) CHIEF na si GENERAL ROMMEL FRANCISCO MARBIL para sa pagseserbisyo sa sambayanan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.