Advertisers
SA ilalim ng pamumuno ng bagong hirang na PNP Director General Rommel D. Marbil, inaasahang matatag ang Philippine National Police sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod at pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino.
Ang layuning ito ay muling pinagtibay noong Lunes (April 7, 2024) sa seremonya ng Pagtataas ng Watawat ng bansa sa Camp Crame, Quezon City, na unang flag raising na dinaluhan ni PDGen. Marbil mula nang italaga itong hepe ng Pambansang Kapulisan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nito lamang April 1.
Sa seremonyang ito, nagbigay ng mahalagang mensahe si CPNP Marbil na nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagpili at pagkakataon sa paglilingkod sa bansa. Aniya, “ sa paggising natin sa umaga, binibigyan tayo ng mahalagang regalo ng ating Panginoon- Pagpili at Pagkakataon na gumawa ng mabuti.
Hinimok ni PDGen. Marbil sa naturang pagkakataon ang lahat na PNP official na mag-iwan ng magandang marka sa pamamagitan ng halimbawa at makabuluhang pagsisilbi sa publiko. “Dito sa bagong pamumuno ng ating kapulisan, tayo ay dapat gumawa ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tao”, ang panawagan ng heneral.
Isa sa mga police official na gumagawa ng magandang marka, Wastong Pagpili, Tama at Mabuting Pagkakataon para sa kanyang pinaglilingkurang mamamayan ay ang katatalagang Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 4B (CIDG, RFU 4B) na si Col. Antonio Rotol Jr.
Isang decorated na police official, matatag, disciplinarian at subok ang liderato sa kanyang mga hinawakang sensitibong posisyon, kabilang ang pagiging police chief sa mga pangunahing siyudad sa CALABARZON o Timog Katagalugan ay hinirang si Col. Rotol Jr. ni CIDG Director General Romeo Caramat Jr. na maging bahagi ng prestihiyosong law enforcing at investigating arm ng PNP na CIDG.
Pagkat malaki ang tiwala ni MGen. Caramat Jr. kay Col. Rotol Jr. ay binigyan ito ng Pagkakataong pamunuan ang MIMAROPA CIDG Field Unit, isa sa pambirang pribilihiyo na ipinagkakaloob sa mga “promising police official” at may malaking potensyal na umangat patungo sa malayo pa at maningning na landas na tatahakin sa napiling professional career.
Batay sa nakalap na ulat na ipinadala sa tanggapan ni Oriental Mindoro, Governor Humerlito Dolor, lumilitaw na agad na pinamunuan ni Col. Rotol Jr. ang kanyang mga operatiba sa pagdakip sa mga wanted personalities na matagal na pinaghahanap ng batas kaugnay sa mga kasong isinampa sa mga akusado sa korte sa Oriental Mindoro.
Kabilang sa mga naipaaresto ni Col. Rotol Jr. sa kanyang mga operatiba, sa pakikipagtulungan ng lokal na kapulisan ay si Rainel L. Seño, 24, residente ng Brgy. San Agustine, sa bayan ng Naujan. Si Seño ay isang school teacher ngunit nakasuhan ng Rape by Sexual Assault in Relation to RA 7610.
Sinampahan ng mga naturang kaso si Seño sa sala ni Family Court, Branch 12 Presiding Judge Rosalie Ang Lui sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro noon pang buwan ng Pebrero 2024, ngunit nagtago ito. Natutop ito ng mga CIDG operative sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Loyal sa Munisipalidad ng Victoria
Walang itinakdang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Seño sa kasong Rape habang halagang Php 120,000 naman ang recommended bail bond nito sa paglabag sa RA 7610 (Child Abuse).
Naging epektibo din ang mga operatiba ni Col. Rotol Jr. sa kanilang kampanya laban sa tinatagurian ng pamahalaan na teroristang New People’s Army sa lalawigan ng Oriental Mindoro, katunayan ay ang pagkadakip ng mga ito sa isa sa kinikilalang lider ng NPA na kumikilos sa mga bayan ng Bongabong, Bansud at iba pang mga munisipalidad ng lalawigan.
Sa kanilang “Oplan Pagtutugis” ay nadakip ng mga tauhan ni Col. Rotol Jr. ang isang NPA amazon at combatant na si Angel J. Macalalad aka Ruben na isa sa lider ng KLG ICM, SRM 4D, STRPC. Si Macalalad ay kabilang sa 10 Most Wanted Person Provincial Level sa Oriental Mindoro.
Ang residente ng Brgy. Sta Cruz, Bongabong na si Macalalad ay natunton ng mga CIDG operatives sa kuta nito sa liblib na So. Cuyapo, Brgy. Corazon sa munisipalidad ng Bansud. Armado ng arrest warrant na iniisyu ni Presiding Judge Harry D. Jaminola ng Branch 41, Regional Trial Court, ng Pinamalayan, Oriental Mindoro noong January 8, 2024 kaugnay sa kasong Murder (RPC Art. 248).
Hindi na nagawang makapanlaban ni Macalalad nang nasorpresa ng mga tauhan ni Col. Rotol Jr. kasama ng pinagsanib na elemento ng Bansud MPS, PNP SAF, 403rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion, 2nd Provincial Mobile Force Company, National Intelligence Coordinating Agency 4B, 2nd Military Intel Division, 203rd Brigade at Philippine Army.
Tiyak na marami pang kahanga-hangang accomplishment si Col. Rotol Jr. na magbibigay ngayon ng mataas na marka at pagkilala sa PNP sa ilalim ng pamumuno nina PDGen. Marbil at CIDG Dir.MGen. Caramat Jr. Pambihira ang Ginintuang Pagkakataong iniatang kay Col. Rotol Jr. ng PNP hierarchy at di naman niya binigo ang inaasam sa kanyang serbisyo publiko.
Kaisa ni PDGen Marbil, ang kabuuan ng PNP, mga opisyales ng pamahalaang lalawigan ng Oriental Mindoro at mga bayan sa rehiyon ng MIMAROPA sa pagpapahalaga at pagkilala sa mataas na marka ni Col. Rotol Jr. at ng kanyang mga tauhan sa CIDG RFU 4B!
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144