Advertisers
PAMUMUNUAN ng bagong koronang national women’s chess champion Ruelle Canino ang Far Eastern University team sa Bangkok Open na gaganapin simula sa Aril 13 hanggang 21 sa Sheraton Hua Hin Resort and Spa sa Thailand.
Canino ang naging pinakabatang winner ng Philippine National Women’s Chess Championship na ginanap sa Malolos,Bulacan nakaraang buwan. kabilang rin siya sa national squad na sasabak sa FIDE World Chess Olympiad sa Budapest, Hungary ngayon Setyembre.
“I’m so grateful for this opportunity to be able to play in a different level tournament like the Olympiad,” Wika ng 16-year-old player mula sa Cagayan de Oro.
“These past few days, all I’ve been doing is continuous training like what sir Jayson (Gonzales) said that consistency in training is also really needed, as well as self-discipline in order for my performance to continue,” Dagdag ni Canino.
Sinabi ni Gonzales, ang National Chess Federation of the Philipines (NCFP) chief executive officer na nagsisilbe ring national women’s team coach, na ang susundo na target ni Canino ay ang maging Woman International Master.
Sasabak rin sa Thailand sina Vic Glysen Derotas, Mary Joy Tan, Mhage Gerriahlou Sebastian, Bea Mendoza, Jasmine Rizalyn Tejada, Shaina Magne Romanillos, Franklin Lloyd Andes, Jerish John Velarde, Oscar Joseph Cantela, Lemuel Jay Adena, Ritchie James Abeleda, Zeus Paglinawan, Samantha Umayan, April Joy Claros, Kate Nicole Ordizo at Arleah Cassandra Sapuan.
Bukod kay Canino, Ang FEU ay nag produced rin ng champions at Grandmasters gaya nina Gonzales,Bong Villamayo, at WGM Janelle Mae Frayna.