Advertisers

Advertisers

BALIK SA KAHARIAN NITO ANG DAVAO TIGERS COCOLIFE

0 6

Advertisers

NAGBALIK ang powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife sa dating kingdom nito kung saan ay nagkampeon sila noon sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Ipinagpatuloy ng koponang Tigers na pagaari ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado nina Cocolife pres.Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Atty Elmore Omelas ang kanilang bangis at winning tradition sa Pilipinas Super League( PSL) kung saan ay tinanghal silang national champion.

Noon ay naroon pa ang pangil ng tigreng sina Mark Yee,Billy Robles,Emman Calo,Robbie Celis,John Wilson ,Bonbon Custodio at Gab Dagangon pero iba na ang lineup ngayon.



Balik sa kaharian ang mabangis na Davao Tigers Cocolife sa bagong bukas na MPBL Season pero iba na rin ang sitwasyon ngayon dahil sa 30 koponan at pawang malalakas ang magbabakbakan sa liga ni Pacman…mabawi kaya nila ang kaharian?…

ABANGAN!

***

PARAÑAQUE DIST.2 COUN.APIONG DELA PEÑA TULOY ANG SERBISYO KAHIT ARAW NG LINGGO!

***



MAS marubdob na pagseserbisyo ang handog ni Parañaque District 2 Councilor Raffy ‘Apiong’ De la Peña nitong nakaraang weekend partikular kamakalawang araw ng Linggo sa Fourth State ng Bgy BF ng naturang lungsod.

Daan-daan ang nahatiran ng Serbisyong Balik sa Tao ni Apiong – Dental Mission (Libreng Bunot ng Ngipin) sa naturang lugar ng Distrito Dos.

“Kaagapay natin sa ating mga proyekto ang TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. “, wika ni Konsi Apiong,ang tanyag na public servant 24/7.

“Patuloy ang ating pasasalamat sa ating Mayor Eric L. Olivarez, sa ating Vice Mayor Joan Villafuerte , sa mga kapwa ko Konsehal sa kanilang suporta sa ating mga humanitarian missions.”

Ang team Apiong ay may palagiang complete package na handog tulad ng mainit at masarap na sopas, ice cream at mga libreng gamot para sa mga pasyenteng konstituwente.

Lubos din ang pasasalamat ni Konsi Apiong sa pamunuan ng eskwelahan na si Sir Principal Glenn Ducta sa muling pagpapaunlak na magamit ang pasilidad para sa misyon.

Gayundin sa Target Range 2 Neighborhood Association sa pamumuno ni Pres. Mary Ann Gallego at kanyang Officers, sa Centerville Youth Organization sa liderato ni Pres. Henderson Uy at Clinicville Youth Organization ni Pres. Roan Donor na nakatuwang sa kanilang serbisyong balik sa tao.

“Muli, sa ating magigiting na mga volunteer doctors, maraming maraming salamat po!”, ani pa Coun. Raffy ‘Apiong’ de la Peña.

Naunang naghatid ng serbisyo ang team Apiong noong Sabado sa Sampaloc Elementary School ng naturang barangay.