Advertisers

Advertisers

Sen. Bong ile-level up ang aksyon sa comeback movie

0 23

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BALIK-pelikula ang Titanic action star na si Senator Bong Revilla pagkatapos ng mahigit isang dekada ng pamamahinga.
Ayon sa politician-actor, na-miss niya ang paggawa ng pelikula.
Kaya naman, pinaghahandaan na raw niya ang shooting ng “Alyas Pogi 4”.
“Nagwo-workout ako everyday. I have to keep my body in shape para handa tayo sa pagsabak sa stunts,” aniya.

Ang nasabing pelikula ay  ipo-produce ng Imus Productions na pag-aari ng kanilang pamilya at ididirehe ni Dondon Santos.
“Nakausap ko na nga sila. Sabi ko, malaki ang gagastusin natin dito kasi ito iyong pagbabalik ng Imus Productions sa paggawa ng pelikula. Ito iyong pagbabalik ni Bong Revilla sa pelikula kaya kailangang paghandaan,” paliwanag niya.



Dagdag pa niya, ang ikaapat na installment daw ng nabanggit na pelikula ang pinili niyang comeback vehicle dahil matagal na niyang commitment ito.

“Commitment ko na siya before. Noon ko pa sinasabing gagawin ko ‘yun pero hindi ko magawa-gawa. Before (2022) elections pa. Kaya ngayon, gagawin ko na,” bulalas niya. “Marami ring requests, eh. Sabi nila, ‘gawin mo ‘yung Alyas Pogi. Kasi naka-1, 2, 3 na tayo do’n, so, pang-apat na ‘to,” dugtong niya.

Hirit pa niya, ile-level up daw niya ang aksyon sa pelikula tulad ng pagle-level up ng mga maaaksyong eksena niya sa seryeng “Walang Matinik na Pulis sa Matinik na Misis, season 2.”

Malaking bentahe rin daw na tapos na niya ang kanyang serye kaya may panahon na siya para makapag-pokus sa shooting ng pelikula.

Kuwento pa niya, balak din niyang isali ang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2024 na hudyat ng kanyang pagbabalik sa filmfest ngayong taon.
Ayaw pa namang i-reveal ng butihing senador kung sino ang kanyang magiging leading lady.
“Ia-announce na lang namin siya soon at pati na iyong cast ng pelikula,” deklara niya.
Pagbibida pa niya, tuloy pa rin daw ang napag-usapan nila nina Coco Martin at Lito Lapid na collaboration sa pelikula.



“Baka next year na siya. Uunahin ko muna itong “Alyas Pogi 4.”
Samantala, pinupuri ng netizens ang Kabitenyong mambabatas dahil sa pag-sponsor nito ng bill na “No Permit, No Exam” policy na malaking tulong sa mga maralitang mag-aaral. ”

Ilan pa sa mga batas na naipasa ni Senador Bong ay ang ” Helmet Law”  at “Kabalikat sa Pagtuturo Act.”
Siya rin ang sponsor ng “Centenerians Act of 2016” na layuning palawakin pa at dagdagan ang mga benepisyo ng senior citizens.