Advertisers

Advertisers

Rapist na retiradong parak timbog

0 47

Advertisers

INARESTO ng mga elemento ng Phillippine National Police-Integrity Monitoritng and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang retiradong pulis na wanted sa kasong rape sa Tarlac City noong Biyernes.

Kinilala ang naaresto na si retired PSMS Rodrigo L. Catacutan Jr., 47 anyos, ng Ramos St., Villa Anally, Barangay Caranguina, Tarlac City.

Ayon kay BGen. Warren De Leon, hepe ng PNP-IMEG, 4:30 ng hapon nang arestuhin ng mga elemento ng Luzon Field Unit-IMEG Team 3, Tarlac City Police Station, 1st Tarlac Provincial Mobile Force Company and Regional Intelligence Unit 3, si Catacutan sa Mc Arthur Highway, Brgy. Sepong, Calzada, Tarlac City.



Inaresto si Catacutan ng mga operatiba sa bisa ng warrant of Arrest sa kasong 3 counts of rape na walang pinagkaloob na piyansa.

Bukod dito ay nahaharap din si Catacutan sa 5 counts ng Act of Lasciviousness na may piyansang P200,000 bawat isa Family Court, Branch 11, Tarlac City.

Base ang warrant of arrest sa isinampang reklamo ni alias Nene, minor, sa tulong ng Women Children Protection Desk ng Tarlac City Police Station noong April 10, 2023.(Mark Obleada)