Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
BILANG si Venus ay si Max Collins ang magiging kontrabida sa buhay ni Katherine na gagampanan ni Marian Rivera sa My Guardian Alien na bagong fantaserye ng GMA.
Kaya tinanong namin si Max kung hanggang saan niya mamalditahan at aapihin si Marian, at kung paano maging kontrabida sa Box Office at Kapuso Primetime Queen.
Lahad ni Max, “It’s been such a joy playing Venus kasi funny talaga. I mean nae-enjoy ko being a kontrabida for the first time, in a light sense.
“Yung pang-aapi ko kay Marian, yung pang-aapi ko sa kanya ay ano. Parang forgiving, parang forgiving for me kasi ano naman e, as you saw sa AVP
parang malalim yung galit ni Venus kay Katherine at kay Tita Nova, may malalim siyang pinaghuhugutan but if you actually watched our scenes parang may pagka-funny rin yung mga away namin.
“So iyon yung mae-enjoy rin ng mga bata to watch, it’s something that is for the whole family at hindi talaga nila gagayahin, hindi nila gagayahin,” natatawang sinabi pa ni Max.
Leading man ni Marian sa My Guardian Alien si Gabby Concepcion bilang si Carlos at kasama sina Raphael Landicho as Doy, Gabby Eigenmann as Dr. Ceph, Kiray Celis as Marites, Josh Ford as Aries, Caitlyn Stave as Halley, at Christian Antolin as Sputnik.
Mapapanood ito weeknights @ 8:50 pm sa GMA Prime.
***
NAKATULONG kay Gabby Eigenmann ang pagbabalik-trabaho niya.
Dahil naging abala sa taping ng My Guardian Alien kahit paano ay naibsan ang malungkot na karanasan sa patuloy na pagluluksa niya sa pagpanaw ng aktres na si Jaclyn Jose na stepmother ni Gabby.
Si Jaclyn ay naging karelasyon ng ama ni Gabby na si Mark Gil; pumanaw ang mahusay na aktres nitong March 2 dahil sa heart attack.
Lahad ni Gabby, “Actually masasabi ko na yes it’s nice to go back to work kasi nga these past few weeks e medyo, has really been heavy, sa family.
“But… actually in the middle of the whole week, na during the process of the wake nakapagtrabaho ako in between. I just needed a new scenery.
“So that helped a lot,” pakli pa ni Gabby. “And ngayon we’re still in constant communication kami ng mga kapatid ko especially si Andi,” banggit ni Gabby tungkol sa half-sister niyang si Andi Eigenmann na anak nina Jaclyn at Mark, “we’re okay.
“We’re okay, we’re holding on to each other, we’re giving each other strength, as we face new life.
“Okay naman, okay,” pahayag pa ni Gabby sa aming panayam sa kanya.