Indians sumugod sa Pasay city prosecutor office, nireklamo ng kidnapping at extortion ang ilang taga-immigration
Advertisers
SUMUGOD sa Pasay City Prosecutors Office ang higit 20 miyembro ng Indian community mula sa Iloilo at Antique at iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at buong bansa upang magbigay ng suporta sa pagsasampa ng reklamo laban sa ilang kawani ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Atty. Boy Magpantay, kasong kidnapping, arbitrary detention, grave coercion at robbery extortion ang kanilang isinampang reklamo laban sa 13 kawani ng BI.
Kabilang sa mga sinampahan ng kaso sina Immigration Officer III Jude Hinolan, Immigration Assistant Maristela Gandamra, Immigration Officer I Robert Jones, Jr., Immigration Officer I Raslanie Gandamra, Immigartion Assistance I Angelo Autria, Immigration Officer II Marivic Dulalia, Immigration Assistanrt I Yusoph Mocsana, Fingerprint Examiner I Abdul Jabbar Macadadaya, Confidential Agent Amer Macalandong, Confidential Agent Jhamzary Tanggote, Confidential Agent Abdulmajid Galma, Job Order Armelo De Castro at Job Order Jo Sulpicio Mosente.
Kasama rin sa nagtungo sa Pasay prosecutors office ang VACC sa pangunguna ni President Boy Evangelista ng VACC upang suportahan ang mga complainant sa kanilang reklamo laban sa mga naturang corrupt official.
Ibinunyag ni Magpantay na nagkaroon din ng bargaining na pera mula isang milyong piso ay napababa ng tatlong daan at limang libong piso kada indibidwal kapalit ng kanilang kalayaan.
Isiniwalat din ni Magpantay na mahigit sa 30 Indians ang hinuli ng mga tauhan ng BI nang walang sapat na mga dokumento ngunit hindi niya alam kung ilan na rito ang nakalaya at kung sinu-sino sa mga ito ang nagbayad kapalit ang Kalayaan. (CESAR MORALES)