Advertisers

Advertisers

Bigtime oil price hike ngayon

0 7

Advertisers

AARANGKADA ngayong Martes ang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo .

Sinabi ng Department of Energy (DOE), aabot sa 0.90 ¢ – P1.20 ang iaakyat ng presyo ng kada litro ng gasolina, habang P 1.20 – 1. 40 ang itataas ng kada litro ng diesel.

Magmamahal naman ng P1.10 – P1.30 ang presyo ng kada litro ng kerosene.



Paliwanag ni Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, batay ito sa apat na araw na trading ng langis sa pandaigdigang merkado, giyera sa pagitan ng Israeli Defense Forces at Hamas, at pag-atake ng Ukrainian Forces sa mga oil refineries ng Russia.

Kabilang din sa mga dahilan ng oil price hike ang desisyon ng organization of the petroleum exporting countries na ipagpatuloy ang kanilang polisiya sa production cut, at mga senyales ng malagong ekonomiya ng Estados Unidos at India.