Advertisers

Advertisers

Utos ni PBBM kay Gen. Marbil: SUGPUIN ANG TERORISMO, TRANSNATIONAL AT CYBERCRIMES!

0 11

Advertisers

HINAMON ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang bagong hepe ng Philippine National Police na si Major General Rommel Francisco Marbil na sugpuin ang iba’t ibang banta tulad ng cybercrimes, terorismo at transnational crimes.

Sa kanyang mensahe sa ‘change of command at retirement honors’ para kay outgoing PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa Camp Crame sa Quezon City nitong Lunes, Abril 1, sinabi ng Pangulo na buo ang kanyang suporta sa liderato ni Gen. Marbil.

Inatasan din ng Pangulo si Marbil na ibigay ang pinakamainam na serbisyo sa mga Pilipino at maging ‘agents of progressive transformation’ ang mga pulis sa ilalim ng bagong pinuno ng organisasyon.



Sa ganitong paraan, aniya, matitiyak na ligtas ang bawat komunidad sa buong bansa.

Kasabay nito, nagpasalamat din ang Presidente sa pamilya o sa mga mahal sa buhay ng mga pulis at sa sakripisyo na ipinapamalas ng mga ito at pag-unawa sa pangangailangan o demands na nakakabit sa uniporme ng mga alagad ng batas.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, mahalaga na manatiling mapanuri sa harap ng mga hamon at pagkakataon habang sinisikap na itaguyod ang isang Bagong Pilipinas kung saan ang lahat ay maaaring umunlad at mamuhay nang payapa. (GILBERT PERDEZ)