Advertisers

Advertisers

Claudine nagtapat, si Rico ang ‘one great love’; Yasmien proud na nakapagtapos ng culinary kahit buntis

0 7

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NATAPOS na ni Yasmien Kurdi  ang kursong culinary arts kahit ipinagbubuntis niya ang second baby nila ng mister na si Rey Soldevilla Jr.

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Yasmien ang ilang moments ng kanyang graduation day sa Academy of Pastry and Culinary Arts (APCA).



Makikita pa sa pictures na present ang kanyang asawa at panganay na anak na si Ayesha

Caption niya,”I can’t believe it! I thought I couldn’t do it because of my pregnancy but I did it! I’m so happy!

“Good thing the baby in my tummy was cooperative the whole time while I was in class.”

Sinabi rin ng aktres na worth it ang kanyang maternity leave dahil may na-achieve siya.

“Naging productive ang #MaternityLeave ko because I gained new skills and knowledge,” sey niya pa sa IG.



***

NOONG March 29,Good Friday, muling inalala ni Claudine Barretto ang yumaong aktor at dating kasintahan na si Rico Yan.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang video clip mula sa kanyang interview noon kay Karen Davila at ang mga larawan nila noon ni Rico.

Caption ni Claudine sa kanyang post, “March 29 My heart stopped.”

May hashtag din na ito na “#alwaysandforever”.

Mapapanood sa reel na ibinahagi niya  ang tanong kung bakit every year ay dumadalaw siya sa puntod ng dating karelasyon.

“Because he is a big part of my life,” sagot ni Claudine. Aniya, isa raw sa mga ipinakiusap niya sa mga fans nila ay ang huwag kalimutan si Rico.

“And I’m also thankful and grateful that talagang up to this day talaga, uhm, they honor him, they celebrate him. And that’s all,” sabi pa ni Claudine.

Nasabi rin nito na si Rico ang kanyang “one great love.”

“I realized, you know, uhm, in your life, sabi nila, you just have one great love, right?” sey ni Claudine.

“Parang ganyan. So, ako, feeling ko, ang once upon a time… once upon a time lang talaga,” pagpapatuloy pa niya

Matatandaang 22 years ago nang pumanaw si Rico. Nangyari ito noong Biyernes Santo, March 29, 2002 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.

Nangyari ito habang nagbabakasyon sila sa isang resort sa Puerto Princesa, Palawan.

Natagpuan na lang daw ni Dominic Ochoa na walang buhay ang kanyang kaibigan.