Advertisers

Advertisers

2 drug suspects, timbog sa P96k droga

0 7

Advertisers

NASAKOTE ang dalawang drug personalities at nakuhanan ng mahigit P96,000 halaga ng droga sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Pusa”, 56, helper; at alyas “Lennon”, 26, driver, kapwa residente ng Torsilyo St., Brgy., 28.

Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rezalito Gapas, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation laban kay ‘Pusa’ nang makatanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta nito ng droga.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 14.25 grams ng shabu na may Standard Drug Price value na P96,900.00 at buy bust money.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Beth Samson)