Advertisers
Binakbak ng hindi pa kilalang mga tao ang libing ng bagong namatay na bata sa Barrio 4 Cemetery sa Koronadal City noong Biyernes Santo, March 29, 2024.
Kinilala ang bangkay ng bata na si
Christian.
Ayon sa napakalumang paniniwala, posibleng kukunin ang mga tuhod ng bata upang gawing anting-anting.
Mistulang hindi itinuloy ng mga suspects ang kanilang balak ng mahirapang ilabas ang bangkay na inilibing nito lang March 20, 2024, matapos pumanaw sa sakit na pneumonia at posibleng may mga taong papalapit sa kung saan ang nitso ng bagong libing na bata kaya sila mabilisang tumakas.
Labis na nalungkot ang pamilya ng batang nakalibing sa ginawang kasamaan sa bangkay ng bata.
May mga residente ng Koronadal City at sa mga kalapit na bayan sa probinsya ng South Cotabato na may makalumang paniniwala na mabisang anting-anting ang mga tenga at parte ng tuhod ng patay na hindi pa naaagnas na makokolekta ng Biyernes Santo.
Naniniwala ang mga imbestigador ng Koronadal City Police Office na nagresponde sa insidente at mga kamag-anak ng kalilibing lang na bata, kabilang sa kanila ang kanyang lola na si Rossana Sebua, na ganun ang posibleng motibo ng mga nagtangkang nakawin ang bangkay nito.