Advertisers
Nasawi ang isang matandang lalaki nang pagbabarilin ng pamangkin kasunod ng hindi pagkakaunawaan sa isang kalabaw sa Crossing Carmen, Barangay Granada, Bacolod City noong Lunes.
Sinabi ni Police Capt. Portia Nillosan, head ng Police Station 5, na iniwan ng biktima ang kaniyang kalabaw sa isang property na inaalagaan ng suspek na si Jano Cahina.
Hinarap ni Jano ang kaniyang tiyuhin nang makita ang kalabaw na gumagala sa lugar.
Sinaway ng biktima si Jano at nagkaroon na ng kaguluhan. Dito na kinuha ni Jano ang isang baril at binaril ang biktima.
Nagtamo ng tama ng bala ang biktima at idineklarang dead on arrival sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH).
Naaresto naman ang suspek matapos itong makita ng mga pulis na sakay ng tricycle sa highway.