Advertisers

Advertisers

16-anyos estudyante, natagpuang patay sa brgy. na may mga sundalong na-ambush

0 8

Advertisers

Natagpuang patay ang 16-anyos na lalaki, sa Datu Hoffer sa Maguindanao del Sur, malapit sa kung saan may napaslang sa isang ambush na apat na sundalo.

Kinilala ang biktima na si Abdulrahman Esmail, nag-aaral ng Islamic religion, o isang hafidz sa wikang Arabic.

Ayon sa ama ni Esmail na si Salahuddin, na natagpuang wala ng buhay ang kanyang anak at nakitaang may mga senyales na pinahirapan muna bago binaril sa dibdib na nagsanhi ng kanyang kamatayan.



Unang natagpuan ng barangay officials ang bangkay ni Esmail sa isang liblib na bahagi ng Barangay Tuayan sa Datu Hoffer, kung saan may apat na sundalong napatay na sina Pvt. Marvin Dumaguing, Pvt. Jessie James Corpuz, Pfc. Carl Araña at Cpl. Creszaldy Espertero ng mga unit na sakop ng 6th Infantry Division, sa pananambang ng mga magkasanib ng mga kasapi ng mga teroristang grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Huling nakita diumanong naharang ang menor-de-edad na Islamic theology student na si Esmail na sakay ng isang motorsiklo at sinita ng mga sundalo na nag-checkpoint sa Barangay Tuayan, ngunit wala pang pahayag ang 40th Infantry Battalion na sakop ang naturang barangay at ang Datu Hoffer Municipal Police Station hinggil dito na iginigiit ng pamilya ng biktima.