Advertisers
NASAWI ang isang retiradong sundalo nang saksakin ng nakababatang kapatid dahil sa itatayong poste na paglalagyan ng kuryente sa Cebu City.
Kinilala ang biktima na si Roberto Astillo, 65 anyos; habang ang salarin na nakababatang kapatid ay si Francisco, 59, kapwa residente sa Visayas Command sa Camp Lapu-Lapu, Barangay Apas ng nasabing lungsod.
Nangyari ang insidente nang magtungo si Francisco sa bahay ni Roberto para sa itatayong poste pero nag-away ang mga ito dahil pareho nilang gusto na ilagay ito malapit sa kanilang mga bahay.
Nagtalo ang dalawa, at para makaiwas sa gulo pumasok nalang sa kuwarto ang biktima. Pero sinundan ito ni Francisco at sinaksak.
Inabutan ng mga pulis ang salarin na nakaupo sa harap ng bangkay ng kapatid.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang salarin.