Advertisers

Advertisers

QC VM Sotto: Kalalakihan dapat labanan Violence Against Women

0 6

Advertisers

NANINIWALA si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto na masusugpo ang Violence Against Women (VOW) kapag sinimulan ng mga kalalakihan na wakasan ito.

Bilang mga kalalakihan, maraming kababaihan ang walang boses at hindi maipaglaban ang kanilang sarili.

Ginawa ang pahayag ni Sotto nang dumalo sa mass oath taking ng libo-libong kalalakihan na sumali sa Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) .



Ayon kay Sotto, layunin ng MOVE na himukin ang mga kalalakihan na tumayo sa kanilang pamilya at komunidad at lumaban para proteksyonan ang mga kababaihan.

Batay sa datos ng Philippine Commission on Women, isa sa apat na Pinay na may edad 15 hanggang 45 taon gulang ang nakakaranas ng physical, emotional, mental at sexual violence mula sa kanilang asawa o partner at sa ibang tao sa kanilang komunidad.

Ang pang-aabuso na nararanasan ng mga kababaihan hindi lamang sa bahay kundi maging saan mang lugar at institusyon.

Hinimok ni Bise Alkalde Sotto ang mga kalalakihan na pangunahan ang paglaban sa karahasan lalo na sa loob ng tahanan sa tulong ng Gender and Development Office ng Pamahalaang lungsod ng Quezon.(Almar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">