Advertisers
PATULOY sa pagbalikwas ang National University men’s team matapos lapain ang heavily favored University of Santo Tomas ,6-1 sa huling laro ng first round ng University Athletic Association ( UAAP) 86th Season kahapon sa UP Baseball Field sa Diliman,Quezon City.
Pumukol si Bulldogs ace pitcher Amiel de Guzman na nagpatahimik sa Tigers offense sa kanyang no relief job sa mound sa kabuuan ng laro.
“Tinuloy lang po yung bilin namin from last game pa na consistent defense. Laging tulungan ang pitcher. At ang maganda pa , si Amiel de Guzman did so well sa pitching po from start to end,”wika ni NU head coach Romar Landicho .
“Grateful kaming coaches (assistant Robin Go,pitching coach Diarao at conditioning coach FilAm Mon Espina )na ganito yung nilaro ng mga bata especially vs UST na the best offensive team so far sa first round ng elimination games.
Nag-deliver naman si designated hitter Terrenz Camposanto para sa opensa ng Bulldogs na uminskor ng 2 runs sa botton 3rd ,isa ss 7th at 3 sa ibaba ng 8th frame.
“Yung sa last inning naman, we pushed the boys na magkaroon ng insurance runs kahit na maganda ang depensa namin para masigurado ang panalo,” ani pa Landicho na nagpasalamat sa todo suporta nina chief motivator Rey Sol at team manager Wopsy Zamora.
“Big D’( Defense) made it. Tinalo din namin ang best sa offense department ngayong first round,” wika ni Zamora kaakibat ng papuri sa kanyang Bulldogs na sina Nigel Paule, Kent Altarejos, Jude at Joven Maulit, Herald Tenorio, Gio Corpido, Cyrille Antipolo, Nico Calanday, Kiel Olazo, MJ Carolino Jherick Timban, de Guzman at Camposanto at ang coaching staff. (Danny Simon)