Advertisers

Advertisers

Koreana pinagdroga at ginahasa

0 16

Advertisers

NASAGIP ng mga ahente ng National Capital Region Police Office ang isang Koreana na inabuso at pinagdroga ng kababayan nito sa Pasay City, Sabado ng umaga.

Kinilala ni NCRPO chief Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ang suspek na si Kim Hyeongbin.

Sa ulat, naaresto ang suspek nang salakayin sa isang condominium sa Pearl Drive corner Macapagal Avenue, Pasay City.



Sinabi ni Nartatez na isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan narin sa Korean Embassy sa Maynila nang magpasaklolo sa embahada ang ama ng 23-anyos na biktima.

“Initial investigation disclosed that the father of the victim called the Korean Embassy that her daughter was sexually abused and forced to take drugs through injection by a fellow Korean national,” sambit ni Nartatez.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng 19 gramo ng shabu, at 2 plastic sachet na naglalaman ng 17 gramo cocaine.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act Nos. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at 11648, o Act Promoting Stronger Protection Against Rape, and Sexual Exploitation and Abuse.(Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">