Advertisers
DINAKIP ang isang lalaking estudyante sa buy-bust operation sa General Santos City, Biyernes ng gabi.
Sa report ng General Santos City Police Office, kinilala lamang ang suspek sa alyas “Emran,” 20, taga-Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Sinabi ni Soccsksargen Police director, Brigadier General Jimili Macaraeg, ikinasa ng mga tauhan ng General Santos Police Station 6 at City Drug Enforcement Unit ang entrapment operation sa Purok 13, Escuala Village, Barangay Lagao, 7:40 ng gabi nang makakuha ng impormasyon kaugnay ng ilegal na gawain ng suspek.
Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.