Advertisers

Advertisers

Awol na pulis timbog sa kotong

0 3

Advertisers

ARESTADO ang isang AWOL (Absence Without Leave) na miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa isang entrapment operation nang kotongan ang isang lalaki na una nitong inaresto at kinasuhan sa Imus City, Biyernes ng hapon.

Kasong Robbery Extortion at Usurpation of Authority ang kinakaharap ng suspek na si alias “Alvin”, awol na pulis na dating nakadestino sa Imus City Police at may ranggong patrolman.

Sa ulat, humihingi ang suspek ng P30,000.00 sa biktimang si alyas “Christian” kapalit ng affidavit of desistance hinggil sa isinampa nitong kaso laban sa biktima noong January 28, 2024 dahil sa paglabag sa RA 4136 (Land transportation and Traffic Rules), RA 10586 (Driving Under the Influence of Alcohol, Dangerous Drugs and Similar Substance) at Art 151 (Unjustifiable disobedience of Lawful Orders of Persons in Authority or their Agents) ng Revised Penal Code.



Nagsumbong ang biktima sa awtoridad kaya naglatag ng entrapment operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ng Imus City Police Station, IMEG-LUZON Field Unit 4A at Police Intelligence Unit-Cavite PPO sa harapan ng MTC Building, Old LTO Compound, Brgy. Palico IV, Imus City, nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa aktong tinatanggap ang boodle money.