Advertisers

Advertisers

3 kompanya lang ang pwede makapag-operate bilang MC Taxi – LTFRB

0 18

Advertisers

Walang karapatang legal ang kumpanyang Grab na makapag-operate bilang isang Motorcycle Taxi.

Ito ang sinabi ni Atty. Roberto Peig, executive director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng ulat na nag-o-operate na ang Grab bilang isang MC Taxi gayong hindi naman ito authorized ng MC Taxi Technical Working Group na nagsasagawa ng pilot study sa MC Taxi operation sa bansa.

Ang mga kumpanyang Angkas, JoyRide at Move It lamang ang authorized at accredited ng MC TWG na sumailalim sa pilot study ng MC Taxi operation sa bansa may limang taon na ang nakakaraan.



Nilinaw din ni Peig na walang pinanghahawakan ang Grab upang mag operate bilang isang MC Taxi Operator .

Nauna rito nilinaw ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz noong February 2024 na hindi authorized ang Grab na mag operate bilang MC Taxi service dahil tatlo lamang, ang Angkas, Move It at Joy Ride ang accredited na sumailalim sa pilot study batay sa kumpirmasyon ng MC TWG.(Boy Celario)