Advertisers

Advertisers

10 sugatan sa sumabog na water tank sa Parañaque

0 6

Advertisers

SUGATAN ang 10 katao nang sumabog ang water tank sa Parañaque City, Sabado ng gabi, Marso 10.

Ayon sa mga saksi, nasa roof deck ng gusali ang water tank na matatagpuan sa Quirino Avenue, Barangay Tambo.

Nasira ang bahagi ng gusali dahil sa pagsabog.



Bumagsak ang mga debris sa kalsada at tinamaan ang ilang sasakyan, kabilang ang isang sport utility vehicle (SUV) at e-trike.

Naapektuhan din ang linya ng kuryente at kinailangang isara ang kalsada para sa clearing operations.