Advertisers

Advertisers

LAGOT! MARCOS NAGSALITA NA SA MGA ANOMALYA SA NFA

0 11

Advertisers

BINASAG na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kanyang pananahimik hinggil sa suspensiyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban sa mahigit 100 opisyal ng National Food Authority (NFA) dahil sa umano’y maanomalyang pagbebenta ng tone-toneladang bigas.

Sa ‘Kapihan with the Media’ sa Melbourne, sinabi ni PBBM na ang sitwasyon ay hindi lamang tungkol sa maling pagbebenta ng NFA rice.

Giit ng Pangulo, ito rin ay pag-iimbestiga sa ilang proseso sa loob ng NFA na ginawa ng walang pahintulot ng board, walang tamang pagtalakay sa loob ng NFA, kasama ang Department of Agriculture at ilang miyembro ng gabinete.



Sinabi ng Presidente, ikinasa ang suspensiyon laban sa mga hinihinalang sangkot sa anumang mga maling gawain tulad ng sinasabing kuwestiyunableng pagbebenta ng bigas.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, sisilipin din ang mga paraan kung paano nilabag ang mga prosesong nakalatag sa mga patakaran. (Gilbert Perdez)