Advertisers

Advertisers

Ilang kalsada sa Maynila, isasara dahil sa selebrasyon ng Int’l Women’s Day

0 11

Advertisers

PANSAMANTALANG isasara ang ilang kalsada sa lungsod sa Biyernes ng umaga, Marso 8, kasabay nang pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, layunin nitong bigyang-daan ang cleanup activities na isasagawa ng mga kababaihan sa lungsod, bilang bahagi naturang pagdiriwang.

Anang alkalde, apat na kalsada sa bisinidad ng Manila City Hall, ang nakatakdang isara mula 6:00AM hanggang 10:00AM sa nasabing araw.



Kinabibilangan ito ng San Marcelino St., mula Ayala Bouleverad hanggang Natividad Lopez St.; Natividad Lopez St.; Antonio Villegas St. mula Freedom Park hanggang Arroceros Park at Cecilia Muñoz Palma St..

Sa mga nasabing oras, ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang departamento, bureau at mga tanggapan sa Manila City Hall ay magsasama-sama upang magsagawa ng cleanup activity.

Matatandaang ang unang kautusan ni Lacuna nang maluklok sa puwesto noong 2022 ay ang pagdaraos ng city-wide cleanup dahil sa paniwalang ang isang malinis na lungsod, malinis na kapaligiran at malinis na lugar ng trabaho ay nakatutulong sa pag-unlad. (ANDI GARCIA)