Advertisers

Advertisers

Angel dinenay ang pagpasok sa ‘Batang Quiapo’

0 13

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TRENDING ang upload na video ng isang netizen na nagngangalang Cheenee sa socmed.

Sey nito na papasok na raw si Angel Locsin sa action serye ni Coco Martin  na Batang Quiapo.



Matagal na ring hindi nasisilayan si Angel at wala itong proyekto.

Kahit sa socmed ay namahinga si Angel at totally wala itong ganap sa kanyang karera.

Sa video ni Chennee ay tinutukoy na papasok na sa BQ si Angel.

Puwede naman lalo na’t si Coco ang mag aalok na tila di ito matatanggihan ni Angel.

Pero mismong Dreamscape ay nilinaw ang isyu at sinabing walang katotohanan na magiging bahagi ng serye si Angel.



***

JACLYN JOSE NAKITAAN NG GREEN BONES NANG I-CREMATE

BALITA na ang kalahati ng ari arian ni Jaclyn Jose  ay ipinamana raw nito sa panganay na anak na si Andi Eigenmann.

Naluha raw si Andi sa pagbibigay ng pamana sa kanya ng namayapang  ina na isang mahusay na aktres.

At dahil dalawa silang magkapatid, malamang na ang kalahati ay sa kapatid nito na si Gwen Garimond nito ibibigay na nag-aaral sa Amerika.

Samantala, gulantang naman ang sissy ni Jaclyn Jose na si Veronica Jones at iba pang kaanak.

Nang i-cremate raw kasi si Jaclyn ay nakitaan ito ng green bones.

Rare nga raw ang nagkakaroon nito at ang ibig sabihin daw nito ay isang mabuting tao or may good heart ang namayapang aktres.

Kahit si Veronica ay pinatotohanan ang pagiging mabuting tao at mapagmahal ni Jaclyn or Mary Jane Guck sa tunay na buhay.

Well, well, well… ‘Yun na!