Advertisers

Advertisers

Suspendidong tserman huli sa mga baril, bala at granada

0 14

Advertisers

DINAKIP ang isang suspendidong barangay chairman ng mga elemento ng CIDG nang makuhanan ng iba’t ibang uri ng baril sa isinagawang operasyon sa Tungawan, Zamboanga, Sibugay.

Kinilala ang naaresto sa alias “Luis”, 48 anyos, tserman ng Brgy. Sto Niño, Tungawan.

Inaresto si Luis ng mga operatiba sa bisa ng search warrant na nisyu ni Judge Joel Vercide ng RTC Branch 37 Ipil, Zamboanga Sibugay noong February 28, 2024,



Nasamsam ng mga operatiba ang isang 9mm pistol; 3 magazines ng 9mm pistol; 29 bala ng 9mm; isanh Spring Field caliber 7.62 Garand rifle; 13 bala ng Garand rifle; INTRATEC KG-9 caliber 45; 2 magazine cal. .45; 13 bala ng bala ng caliber .45; cal .38 revolver; 4 bala ng .38 revolver; 3 bala ng 12 Gauge shotgun; at 1 granada.

Sinabi ni Cara na ilang beses nang ini-report si Luis sa gun-toting at pagmamayabang na pagpapakita ng kanyang mga baril.

Sinuspinde si Luis bilang tserman January 26, 2024 ng 60 araw sa kasong ‘abuse of authority’.

Nahaharap ngayon si Luis sa panibagong kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at R.A. 9516 (Illegal Possession of Explosives). (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">