Advertisers
NASAWI ang apat katao at dalawa ang sugatan sa sunog na sumiklab sa dalawang bahay sa Peach Street, Camella Homes 1, Barangay Talon 2, Las Piñas City, Huwebes ng madaling araw, Pebrero 29.
Ayon kay Fire Officer 2 Ligaya Valerio ng Bureau of Fire Protection (BFP) Las Piñas, nakilala ang mga nasawi na sina Nicanor Isip, 73 anyos; maybahay niyang si Ma. Elena Isip. 73; mga anak na sina Michelle Angela 45; Michael Angelo, 35, pawang residente ng Camella Homes,.
Sinabi ni Fire Chief Quintin Paredes ng Team Network Las Piñas Chapter Fire and Rescue Volunteer na hindi nakalabas sa kanilang bahay ang mga biktima.
Habang rumeresponde, nasaksihan ng fire volunteers kung paano natupok ng apoy ang tatlo sa mga nasawi.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog 2:38 ng madaling araw na umakyat lang sa unang alarma at idineklarang fire out ang sunog 4:36 ng umaga.
Tinatayang aabot sa P7.5 milyon ang halaga ng napinsala.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog. (Gaynor Bonilla)