Advertisers

Advertisers

P.8M tinangay, reward sa makapagtuturo ng suspek

0 41

Advertisers

PINAGHAHANAP ngayon ng mga awtoridad ang isang 31-anyos na public relations officer ng isang kumpanya matapos na umano’y tangayin ang P800,000 mula sa junket ng isang kilalang casino.

Nabatid sa police report ng Southern Police District, Parañaque City Police Station na kinilala ang suspek na si Marla Laarni Siya y Erlandez, at nakatira sa 2A Zinc St. Camella 4 Pamplona Tres, Las Piñas City.

Pormal namang ipinagharap ng reklamong qualified theft ng complainant na si Mary Ann Steffany Oliva y Gan, 37 residente ng 2745 Pilapil St., Brgy 83 Pasay City.



Base sa imbestigasyon ng Tambo Police Sub Station at base na rin sa sinumpaang salaysay ng complainant, dakong 6:30 ng umaga noong Jan. 27 ay kinontak ng isang Mr. YT ang HR manager ng isang kumpanya si Gan matapos mapuna na nawawala ang pera na nagkakahalaga ng P800,000. Kasama ring nawawa base sa police report ang suspek na si Duya.

Agad na pinaghahanap ni Gan si Duya pero di na niya ito makita kaya nagpasya na lamang ito na rebyuhin ang CCTV sa loob ng Pit 27 Junket ng kilalang casino.

Mula sa nasabing CCTV ay nakita ng complainant ang suspek dakong 5:37 ng umaga na nagpapapalit ng walong piraso ng chips na nagkakahalaga ng P800,000 sa cashier bago pumasok sa VIP 8 room.

Matapos ang ilang minuto ay nakita pa rin sa CCTV na lumalabas ng VIP room ang suspek dala ang tinangay na P800,000

Nabatid na handang magbigay ng P100,000 halaga ng pabuya o reward sa sinumang makapagtuturo ng suspek.