Advertisers

Advertisers

‘Habal-Habal’ rider tiklo sa P340k shabu

0 16

Advertisers

ARESTADO ang isang “habal-habal” rider nang makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Quezon City.

Sa ulat ni Lt. Colonel Jerry Castillo, station commander ng Police Station 6, kay Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. General Redrico Maranan, dinakip si Edwin Espiritu, 54 anyos, habal-habal rider, ng Brgy. Matandang Balara, Quezon City, sa kasong pagtutulak ng iligal na droga.

Sa operasyon, nakuhanan si Espiritu ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.



Kakasuhan si Espiritu ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002. (Almar Danguilan)