Advertisers
NAARESTO ang isang bigtime drug trafficker sa isang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala ni Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Calabarzon Police director, ang nadakip na si alias “King”. Patuloy pang tinutugis ang mga kasamahan nito.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement operatives sa Barangay Talaba 1, Bacoor City laban kay King na nakumpiskahan ng nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million, mobile phone at marked bust money.
Ayon kay Lucas, si King ay nakalista na High-Value target individual sa Calabarzon.