Advertisers

Advertisers

Buto ng tao bumara sa septic tank

0 5

Advertisers

NATAGPUAN ng mga awtoridad ang mga buto ng tao nang bumara sa septic tank ng isang bahay sa Doña Aurora, Quezon City, Huwebes ng umaga.

Sa report, 8:30 ng umaga (February 29) nang madiskubre ang kalansay ng tao sa poso negro sa No. 7 Serrano Laktaw St., Brgy. Doña Aurora.

Batay sa imbestigasyon ni SSg Dhonnie B. Peralta ng Quezon City Police District Criminal investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nagtatanggal ng bara sa septic tank si John Christoper Guda nang makakuha ito ng mga buto ng tao.



Sa takot ni Guda, agad niyang ini-report sa pulisya ang nadiskubre.

Sinabi ng QCPD-CIDU na kinukunan na nila ng pahayag ang mga nakatira sa nasabing bahay gayundin ang may-ari nito.

Isasailalim din sa DNA tests ang mga buto.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">