Advertisers
NAMILIPIT sa sakit ang isang manyakis na nang dakmain at pigain ang maselang bahagi nito ng kanyang biniktima sa loob ng modern jeepney.
Sa imbestigasyon, punuan ang modern jeepney na biyaheng Talisay City patungong Cebu City at nakatayo na ang mga pasahero rito.
Nakaramdam ang 19-anyos na biktima na kinakaskas sa likod niya ang ari ng 28-anyos na lalaki.
Noong una, sinubukan bahagyang lumayo ng biktima mula sa lalaki para iiwas ang kaniyang likuran, pero dumidikit parin sa kaniya ang lalaki.
Hindi rin agad muna siya nag-isip ng masama sa lalaki dahil sa sitwasyon at ikinokonsidera niya rin ang pagpreno ng sasakyan.
Hindi naglaon, napansin niya nang sinasadya na ng lalaki na idikit ang ari nito sa kaniyang likuran. Dito na hindi nakatiis ang biktima, sa galit dinakma niya ang ari ng lalaki at piniga-piga.
Bunsod nito, nagkaroon ng komosyon sa loob ng jeepney at dinala ang lalaki at biktima sa pinakamalapit na police station.
Sa huli, nagpasya ang biktima na huwag nang ituloy ang reklamong ‘acts of lasciviousness’ laban sa lalaki.(Boy Celario)