Advertisers
KAKALKALIN ng Senado ang napaulat na anomalya sa pagbebenta umano ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa ilang traders sa mababang presyo na makakasama sa pamahalaan ayon kay Senate Committee on Agriculture and Food chairperson Sen. Cynthia Villar.
Ayon kay Sen. Villar, kasalukuyang bumabalangkas na ang kaniyang tanggapan ng resolution para imbestigahan ang naturang isyu.
Matatandaan na noong Huwebes, sinimulang imbestigahan ng Department of Agriculture (DA) ang umano’y pagbebenta ng NFA rice stocks sa unidentified traders nang hindi dumadaan sa nakagawiang bidding process.
Muli namang lumitaw ang claims na mayroong mafia sa loob ng NFA.
Subalit ayon kay Sen. Villar lumang findings na ito kung kaya’t ipinasa umano niya ang Rice Tariffication Law dahil nag-aangkat sila ng bigas ng eksklusibo at nakikipagsabwatan sa kartel dahilan kaya’t tinanggalan umano ng kapangyarihan ang NFA na mag-angkat at may awtoridad lamang na bumili mula sa mga lokal na magsasaka.
Pahayag pa ni Sen. Villar na sa halip na sa mga dealer at traders, dapat na ibenta ng NFA ang bigas sa mga Pilipinong nangangailangan nito lalo na ang mga mahihirap.