Advertisers
MAY mga establisimyento na parang walang kinatatakutan at patuloy na namamayagpag kahit ni-raid at ipinasara na ng mga awtoridad bunga ng prostitusyon.
Noong mga nakarang buwan sunod-sunod na sinalakay ng Parañaque Police Station ang mga nakahilerang mga night club sa kahabaan ng Airport Road, Roxas Blvd at Quirino Avenue sa Baclaran Parañaque City.
Ayon sa source ni-raid ng mga awtoridad ang mga club at iniligtas ang ilang menor de edad na babae na nagtatrabaho rito.
Pero sa kabila ng mga pagsalakay tuloy parin ang mga malalaswang panoorin at quickie sex kapalit umano sa halagang P5K hanggang P10K kaya patuloy na dinarayo ng mga Pinoy at dayuhang parokyano.
Bakit nae-engganyo ang mga kostumer na magpabalik-balik sa mga bahay aliwan sa nasabing lungsod.
Bukod sa tumatanggap sila ng mga dalaginding bilang dancers at GROs ay kilala ang mga itinuturong night club na Fades KTV, Apollo, Apeiro, The Bay Entertainment KTV, Boom Bar KTV, Alice Angel, Jero at 798 KTV na diumanoy nagpapalabas ng mga malaswang panoorin at nagbibigay ng panandaliang aliw sa loob ng VIP rooms at puwede ring i-bar fine at bayaran para sa panandaliang aliw. Maging ang Gay Bar na King Machete ay wala rin umanong kinakatakutan.
Sa kabila ng mga raid, bakit patuloy ang operasyon at pag-aalok ng ‘kasiya-han’ sa kanilang mga parokyano? Mukhang totoo nga ang sabi-sabi na wala raw takot ang mga nabanggit na night club dahil malakas sila sa Parañaque City Hall, Parañaque City Police, sa korte at pati na sa ibang mga ahensya ng gobyerno.
Dagdag pa ng source, ang mga dalagita na nagtatanghal ng malalaswang palabas at binabayaran kapalit ng “sexual activities.”
Ang nabanggit na mga bahay aliwan ay ilang hakbang lamang ang layo sa Redemptorist ng Our Lady of Perpetual Help.
Bukod sa Parañaque Police Station ay dapat kumilos din ang Southern Police District (SPD), National Capital Region Police Office (NCRPO), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) upang hindi mapaghinalaang ‘nakikinabang’ kayo sa mga bahay aliwan na pag-aari ng mga intsik, lalo na ngayong mainit ang mata ng publiko sa pulis.
Tiyaking walang kalaswaan, prostitusyon o ibang nilalabag na batas sa loob ng mga club.
Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng kalaswaan ay hindi maiiwasan na may mag-isip at magduda kung kanino talaga nakasandal ang mga bahay aliwan na front ng prostituion.
Sino nga kaya ang maimpluwensyang protektor ng mga night club kaya wala silang kinatatakutan?
Ano ang ginagawa ng mga anti-human trafficking task force ng gobyerno?
Subaybayan natin!
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com