Advertisers

Advertisers

Mommy itinumba sa harap ng 2 anak

0 17

Advertisers

NASAWI ang isang 43-anyos na mommy nang pagbabarilin habang papasakay sa kaniyang kotse, kasama ang dalawang anak na kapwa menor-de-edad sa harapan ng isang coffee shop, sa Parañaque City.

Naisugod pa sa ospital ang biktimang si alyas “Yolanda” subali’t idineklarang dead-on-arrival.

Naganap ang pamamaril 6:00 ng gabi sa tapat ng isang coffee shop sa Gatchalian, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Sa CCTV footage, binubuksan palang ng biktima ang kaniyang sasakyan sa driver’s seat para sumakay nang sumulpot sa likuran ang gunman at ilang ulit siyang pinaputukan sa ulo.

Nasaksihan ng dalawang anak ang nangyari, na nag-iiyak dahil sa pagkabigla sa pamamaril sa kanilang ina.

Itinuturong responsable sa krimen ang isang dating Philippine Army (PA) Reservist na si alyas “Cafgu”, 40.

Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Parañaque City Police Station na sumuko upang linisin umano ang kaniyang pangalan.

Bago ang insidente, may mga death threat nang natatanggap ang biktima mula umano sa suspek at may isang alyas “Winnie” ang sinampahan niya ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Violence Against Women and Children Act).

Patuloy pang sinisiyasat ang insidente at motibo sa krimen.