Advertisers
INILAHAD ng Hockey Philippines ang kanilang roster para sa parating na 2024 International Ice Hockey Federation (IIHF) World Championship Division 3B.
Karamihan sa pangalan sa roster ay nakibahagi sa Division 4 tournament nakaraang taon sa
Mongolia, kung saan winalis nila ang kanilang daanan patungo sa gold medal at promotion sa kanilang bagong division.
Ang pangalan sa ilang forwards ay sina Patrick Abis, 2023 team captain Manvil Billones, Carlo Emmanuel de Guzman, veteran Steven Füglister, Benjamin Imperial, John Glenn Lagleva, Lenard Lancero 2nd, Mikel Sean Miller, Jan Aro Regencia, Miguel Relampagos.
Sa depensa ay sina Einzenn Ham, Dan Carlo Pastrana, EJ Sibug, Julius Santiago at forward-defenseman Richmond Yu.
Bukod kay Yu, isa pang skater,Stephen James MacDonald, ay kasama sa roster.
Paolo Spafford ay nakatakdang ibabalik na isa sa goaltenders ng team, kasama si irell Perez na papalit kay Gianpetro Iseppi.
Ang IIHF World Championship Division 3B ay nakatakdang ganapin sa Sarajevo, Bosnia at Herzegovina mula Pebrero 23 hanggang 29, na ang Pilipinas ay unang makakalaban ang Singapore.
Makakatapat rin nila ang Iran,North Korea at HongKong. Ang watch party ay gaganapin sa Skinny Mike’s sa Binifcio Global City sa Taguig sa panahon ng game days.