Advertisers
WALA ng buhay nang matagpuan ng mga awtoridad ang katawan ng dating guro, na laslas ang lalamunan sa isang creek sa Bukid st. Barangay Anilao, Malolos City nitong Linggo ng umaga.
Base sa inisyal na report ni Police Corporal Ronaldo M Paed, nakilala ang biktima na si Aaron Paul C. De Guzman, 31 anyos, may asawa, dating guro, walang trabaho, ng Bukid St. Brgy. Poblacion
Ayon sa mga magulang ng biktima, nakita nila sa loob ng bahay nito ang maraming patak ng dugo sa kama at sahig, kungsaan sinundan nila ang mga patak ng dugo patungo sa isang creek 5:30 ng hapon ng Pebrero 17.
Nabatid na una nang na-diagnose na may depression disorder ang biktima tatlong taon na ang nakalilipas at patuloy ang kanyang pag-gagamot.
Dagdag pa ng mga awto-ridad, tatlong araw bago ang pangyayari, nagbanta ang biktima sa kanyang asawa na nais na nitong magpakamatay.(Thony D. Arcenal)