Advertisers
NADAKIP ang apat na dealers ng shabu sa dalawang probinsya ng Bangsamoro region na may koneksyon diumano sa mga lokal na teroristang grupo sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya mula Miyerkules hanggang Sabado.
Sa ulat, isang magsasaka sa Maguindanaon na pinaniniwalaang “asset” o informer ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Aladin Ana Anguso ang nalambat ng mga pulis na pinamumunuan ni Lt. Colonel Esmael Madin sa Barangay Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte sa ikinasang isang operasyon sa tulong ng mga residente.
Kasunod nito, isang big-time shabu dealer na matagal nang may mga kaso sa pagtutulak sa Lanao de Sur, na isang Maranaw at naiulat na dating kasapi ng nabuwag ng Maute terror group, ang mapayapang nasilbihan ng warrant of arrest mula sa isang korte sa operasyon sa Barangay Poblacion, Bacolod Kalawi.
Samantala, dalawang etnikong Iranun naman ang na-entrap ng mga pulis sa Barangay Marang, Barira, Maguindanao del Norte na parehong matagal nang minamanmanan ng pulisya.